Sunday, October 14, 2007

Ang tunay na pagkakaibigan
ni: Nene Takahashi

Sino ba ang aking tunay na kaibigan
na laging nandyan sa tuwing ako'y nangangailangan
aking karamay sa tuwing ako'y nahihirapan
kami'y nagtutulungan kahit kamiy nahihirapan

Sino ba ang pwede kong sabihan,
ng aking mga problemang di ko kayang solusyonan
ka'y hirap hanapin ng kaibigang mapagkakatiwalaan
dahil sa panahon ito'y ang mga tao'y puro kasinungalingan

Ka'y hirap ng hanapin sa panahong ito
ang tunay na kaibigan na hinahanap hanap ko
madaming barkadang nagkakawatakwatak na ngayon
dahil sa tiwalang nawala na binuo nila noon

Kaya't aking napagisipan
kung sino ang mga tunay kong kaibigan
sila pala ay nandyan lang sa tabi
para kami ay magtulungan


No comments: