Sunday, October 14, 2007

Batas
ni: Justine Gumaru
Bawat lugar sa Pilipinas,
ang naririnig natin ay ang mga politiko.
Politikong nagsasabing sundin natin ang batas,
pero sila mismo ang sumasaway.
Kahit tayo,
hindi sumusunod sa batas.
Kahit saan ka lumingon,
may makikita kang sumasaway.
Batas trapiko,
Bawal pumarada, may pumaparada
Bawal tumawid, may tumatawid
Bakit hindi sumusunod? Mahirap bang sumunod?
Ano kaya ang pagkukulang?
Pagkukulang ba ng tao o
pagkukulang ba ng nagpapatupad?
Kung ating pagmamasdan, simple lang ang batas.
Batas na dapat tupdin ng sinuman.
Mamayanan na dapat maging masunurin at
Pamahalaang masipag at may pininindigan.
Ang bawat batas
ay dapat sundin ng buong puso
upang umunlad an ating bansa

No comments: