Sunday, October 14, 2007

Ingay at Katahimikan
ni: Bea Pamen
Isang gabi habang nakatingin sa kawalan
ipinikit ko ang aking mga mata upang ang paligid ay pakinggan.
Nakarinig ako ng mga batang nagtatawanan,
pati na rin ng busina ng jeep na tila dinig sa kalawakan.
Ang sunod kong sinubukan ay ang loob ng aming bahay
dito'y marami rin akong napakinggan,
tulad ng palabas na pinapanood ni itay
pati na rin ang dalawang kapatid kong nagbabangayan
Ako'y pumasok na sa aking kwarto upang magpahinga,
humiga sa kama at ipinikit ang aking mga mata.
O kay sarap ng epekto ng katahimikan sa aking tenga
parang nagsiwalaan lahat ng aking mga problema.

No comments: