Sunday, October 14, 2007

Kakaibang pagkakaibigan
ni: Bea Pamen
Sa isang malayong lugar ay may batang babae na nagngangalang Cynthia. Si Cynthia ay isang mahiyaing bata kaya naman wala siyang mga kaibigan. Ang tanging kaibigan niya lang ay ang isang madumi manikang pinangalanan niyang Samantha. Si Samantha lamang ang itinuturing niyang tunay niyang kaibigan, sa kanya niya sinasabi ang lahat dahil alam niyang hindi siya nito huhusgahan at makikinig lamang sa kanya. Isang araw habang nasa labas at inaayusan si Samantha ay may lumapit na isang batang babae na nagngangalang Kyla. Sinubukan ni Kylang makipagkaibigan kay Cynthia, pero dahil nga sa mahiyain ito ay hindi siya pinapansin. Nagalit si Kyla, kaya ang ginawa niya ay kinuha niya si Samantha mula sa kamay ni Cynthia at tinapak tapakan at ito at itinapon sa malayo. Walang nagawa si Cynthia kundi umiyak dahil nawala na ang itinuturing niyang matalik niyang kaibigan. Noong kinagabihan ay pinuntahan siya ng kanyang nanay at kinausap. "Cynthia anak ko, tahana sa pag-iyak. Sa tingin ko kailangan mo nang tanggapin na hindi mo na makikita si uli si Samantha kaya naman makabubuti sa iyo kung maghanap ka na lang ng ibang kaibigan." "Sa tingin ko po ay imposible yung mangyari" nakasimangot na sagot ni Cynthia. "Anak walang imposible. Ba't kaya hindi mo subukang makipagusap sa ibang bata. Sa tingin ko iyan ang gusto para sa iyo ni Samantha. Ayaw niyang magmumukmuk ka lamang dito." "Talaga po?"sagot ni Cynthia. "Oo anak"sabi ng kanyang ina. "Sige po! sa tingin ko po ay nyan talaga ang gugustuhin para sa akin ni Samantha" nakangiting sabi ni Cynthia. Kaya naman noong sumunod na araw ay lumabas siya sa kanyang bahay. Nagulat siya noong nakita niya si Kylang nagaabang at may hawak hawak na sa tingin niya ay ang dati niyang manikang si Samantha. "Pasensiya ka na Cynthia sa ginawa ko kahapon, alam kong hindi tama iyon, kaya naman hinanap ko pa talaga itong manika mo dahil alam kong importante ito para sa iyo" nakayukong sabi ni Kyla. "Ano ka ba? okay lang iyon sa tinging ko naman ay hindi ko na siya kailangan dahil may nakita na akong bagong kaibigan" nakangiting sabi ni Cynthia habang hawak ang kamay ni Kyla. "Talaga Cynthia pinapatawad mo na ako?"sabi ni Kyla. "Oo pinapatawad na kita". At simula noon ay naging matalik na magkaibigan na sina Samantha at Kyla.

No comments: