Sunday, October 14, 2007

Buhay ng isang OFW
ni: Nene Takahashi
Kami ay isang masayang pamilya
na laging magkasama sa hirap at ginhawa
gagawin ang lahat para kami'y magkasama
sa mga oras na nasayang ng aming pagsasama
Ka'y hirap mabuhay ng malayo sa pamilya
ngunit kailangan kong kumayod upang umangat ang aking pamilya
titiisin ang lahat kahit hindi kami magkasama
magkausap man lang sila ako'y masaya na
Pag ako'y nasa piling nila,
hindi ko mapigilan ang ngiti sa aking mukha
sapagkat ang aking ligaya ay abot langit,
kahit ang puso ko'y nakakaramdam ng pait
Lahat ng aking paghihirap para din sa kanila
dahit ang buhay ko'y puno ng pagdurusa,
lahat ng ito'y haharapin ng may pag-asa
para sa ikabubuti ng aking pamilya

No comments: